Well 🙂 ayus – heres the news clip
July 18, 2014 — Ginanap ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang kanilang kauna-unahang Information Technology day (I.T day), kung saan ito ay kaugnay ng kanilang pagdiriwang ng kanilang Expo 2014.
Ang kanilang I.T day ay may temang “The business of making games episode 1”. Kung saan nagkaroon ng seminar patungkol sa pagiging isang game developer o paggawa o pagbuo ng isang video games para mga I.T students.
Ayon kay Art Pollo Gabriel, event organizer isinagawa nila ang event na ito upang mabigyan ng idea ang mga IT students patungkol sa game development.
Naghanda ng ilang presentation ang mga guest speaker na kanilang inimbitahan tungkol sa halaga ng pagiging isang game developer.
Ayon kay Alvin Juban, malaking pera ang kikitain sa pagiging isang game developer subalit iilan lamang ang may ganitong propesyon sa ating bansa.
Payo naman ang iniwan ng isa sa guest speaker na si Francis Joseph Serinia para sa lahat ng mga mag-aaral na gustong maging isang game developer baling araw.
Samantala, bilang bahagi ng kanilang aktibidad ay naghanda din ang iba pang departamento ng nasabing paaralan ng iba’t ibang pakulo.
Kung saan sila ay may mga booth kung saan may makikitang CPU o Central Processing Unit ng computer kung saan makikita ang ibat’ ibang bahagi nito.
Nandyan ang pagbebenta ng pins, pabango at loombands. Dedication booth, paglalaro ng mga video games at panonood ng Music Video na estudyante mismo ang gumawa.
At syempre hindi mawawala ang mga pagkain tulad na lamang ng kanilang oreo pancake, coffee jelly at puto.
Ang kanilang aktibidad ay ikinasaya ng lahat ng mag-aaral ng NEUST na inaasahan na mauulit pa ito sa mga susunod pang taon. – Ulat ni Joyce Fuentes
Source: http://dobolp.com/2014/07/18/kauna-unahang-it-day-ng-neust-ipinagdiwang/